Ang Pedro Penduko ay isang sikat na komik na gawa ni Francisco V. Coching (National Artist for Literature) na na-i hayag sa Liwayway Magazine. Si Pedro Penduko ay isang normal na tao na walang kapangyarihan ngunit siya ay matalino at mapamaraan sa paglaban sa masasamang pwersa (Bungisngis, kapre, manananggal, aswang, mambabarang at iba pa). Sinasabi na siya ay kamag anak ng mga magigiting at matatapang na mga bayani pero siya ay isang duwag kaya siya ay laging may suot na anting-anting na ginagamit niya para protektahan ang kaniyang sarili.

Dahil maganda ang komiks na ito, ginawan siya ng pelikula at teleserye. Ang unang una na aktor na gumanap na Pedro Penduko ay si Efren Reyes Sr. (Pedro Penduko, 1954) tapos si Ramon Zamora (Ang Mahiwagang Daigdig ni Pedro Penduko) at si Janno Gibbs, ang pinaka sikat na Pedro Penduko na gumanap sa dalawang pelikula nito (Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko at Pedro Penduko, Episode 2: The Return of the Comeback). Si Matt Evans naman ang huli at siya ang gumanap na Pedro Penduko Komiks sa ABS CBN (Da Adventures of Pedro Penduko) na nagtagal ng tatlong seasons.

Efren Reyes

Ramon Zamora

Janno Gibbs

Matt Evans
Sinasabi na ang susunod na pelikula ng Pedro Penduko ay pinagbibidahan ni James Reid (Pedro Penduko), Nadine Lustre (Mariang Makiling) at Devon Seron sa direksyon ni Treb Monteras sa ilalaim ng Viva Films and Epik Studios.
